December 1, 2008
amazing! | 09:44 PM by jong

nakita nyo ba un formation ng moon at ng dalawang planets? venus ata at jupiter un??

ang galeng no? naka-smile...

sa panahon ngayon ng crisis, parang sinasabe sa atin ng Dios, don't worry everything will be alright...

smiley-smile.gif

 



November 29, 2008
bunsong anak | 09:42 AM by jong

malalake na mga anak ko, pinakabata nga 16 eh. kaya minsan pinag-uusapan namin ni jep na mag-alaga na lang kami ng aso. haha! aso nalang... parang mas madali kesa tao. haha! gusto daw nya siberian husky. ang ganda nun! tas minsan pinagtripan kong maghanap ng picture ng future na bunsong anak namin. eto ang lumabas, i instantly fell in-love with him.

wow!

ganyan sya ka-fierce looking pero saksakan ng loyal, bait at lambing sa nanay at tatay at matalino din sya katulad ng mga kapatid nya. that's how i imagine him to be. o diba?!



November 28, 2008
anu kaya?! | 07:03 AM by jong

eto kinakausap ko nanaman sarile ko, mamaya ako din ang sasagot ng mga tanung ko. haha! baliw...

ngayon kasi ang dating ni doc manny. hintay-hintayin ko tawag ng kolokoy na 'to para maitext na mga guranggus na classmates ko (kasama ako dun.. haha!) para makagawa na rin ng plano kung san kami gigimik.

parang magandang mag-red box sa gabe, sarap magharutan sa videoke. pero maglunch sa MOA, sangdamakmak ang mga resto dun tas malake ang pwedeng ikutan o pasyalan, diba? tas may church na malapit dun baka gusto nyang maglinay-linay... kung greenhills pwede din, lalo na kung gusto nyang mag-shopping. pero kung shopping rin lang, e di 168 na! kaya lang baka masiraan sya ng bait dun! sa dami ng tao... pero sobrang mura ng mga paninda. siguro aayain ko syang mag-divisoria ng regular day tas umaga pa lang nandun na kami. aayain ko rin syang magbadminton. para matagtag mga taba nya.. masarap na papawis 'tong larong 'to, i so love it! magkaroon kami ng tournament?! wow! sige, i-suggest ko un sa mga classmates! if ever na gusto nilang mag-out-of-town, pwedeng mag tagaytay. malapit lang un, o kaya sa kabila naman, sa subic. 

pero ang pinaka... dapat madalaw namin ang puntod ni DABOY. walang lokohan, super magkamukha sila at naging magkaibigan ang dalawang un nung nabubuhay pa si daboy. kasi hobby ni doc manny ang photography at may mga pagkakataon na nagkasama sila sa states.. may mga pictures nga sila eh.

hai... daming pwedeng gawin. sana maging masaya ang pag-balikbayan ni doc manny para sulit ang uwe nya. 

parang gusto kong magpost ng picture nya, ung taken almost 30 years ago... haha! sige sa susunod nalang... smiley-wink.gif



November 27, 2008
bakasyon ang jamie | 05:31 PM by jong

morethan one year na nagwo-work si jamie at starting nung monday, naka-bakasyon sya. pag nasa bahay ako, bonding chorva to the max kami. tas pasyal kung saan-saan (mostly sa malls). con todo control akong gumasta, ateh. jusko! pero minsan di maiwasan... sige na rin pero alam ng Dios na i've been controlling myself. bumili nga pala sya ng dvd (pirated ha?!) ung my husband's lover (potah!"woman" pala..)at un ang pinanuod nya hanggang matapos. (so alam na namin ang ending) at kahapon, nung tapos na ang mga lakad ko, nagkita kami sa SM tas nagpunta kami sa UST. ang saya ni jamie grabe! balikbayan ang feeling nya.. picture-picture at hiyang-hiya sya! eh baket ba? sabe ko, sige dun ka at picturan kita! 

ateh, pag nalaman nyang pinost ko picture nya dito patay ako!

nahihiya pa sya nyang lagay na yan ha... pero pinilit ko talaga in fairview... 

ngayon nagpunta sila ni gino ng tagaytay para mag-picnic at kagabe todo effort syang magluto ng pasta sauce at kung anu-anung dadalin nya. di naman marunong magluto 'tong anak ko pero sige!go! tinulungan ko nalang.. okay naman lumabas, thank God. sabe ko; sana ma-appreciate ng gino.. sagot nya: hai naku, sasapakin ko sya pag hindi...

at ngayon, habang wala pa sya narealize ko how much i miss her. pag may trabaho kasi sa umaga at gabi lang kami nagkikita... awww.... smiley-frown.gif

 



November 26, 2008
doc manny | 07:30 AM by jong

dadating 'tong h.s. classmate ko on nov. 28. magkikita-kita kame ng mga classmates ko malamang between dec. 8 to 11 pag libre na sya.  gusto kong magpost ng picture nya pero next time nalang.

nakakatawa kasi kamukha ni daboy 'tong si doc manny at feel na feel nya un! nung mag-usap nga kami, sabi nya bibisitahin nya ang puntod ni daboy. at seryoso sya dun ah?!

mabait at nakakatawa 'tong si manny. isa sa mga matatalino sa batch namin yan. doctor nga si kolokoy eh... pero di sya ung serious type, madaming kalokohan sa katawan 'to.. smiley-laughing.gif

*****

na-tag ako si spoofed  at  eto ang TEN THINGS THAT MAKES ME SMILE random lang 'to:

1smiley-smile.gif pag nagba-bonding kami ni pitart at nagku-kwentuhan ng mga kalokohan.

2smiley-smile.gif pag marami akong pera (un, di lang smile hagalpak pa! haha!)

3smiley-smile.gif pag magkakasama kami nina jep, jamie, dong and chu sa mall or kahit saan at walang may toyo sa kanila.

4smiley-smile.gif pag may bagong "something" like shoes, clothes, etc na nabili kong naka-sale.

5smiley-smile.gif pag naglalaro ako ng badminton at maganda ang galaw ko.

6smiley-smile.gif pag mataas mga grades sa school ng mga anak ko and or pag merong achievements na matitindi sa school like nanalo sa contests, etc..

7smiley-smile.gif pag nakikita ko mga baby pictures nila pati narin mga family pictures.

8smiley-smile.gif pag birthdays, christmas and new year!

9smiley-smile.gif pag may bagong client na magandang magbayad.

10smiley-smile.gifpag may "answered prayer"

tagged yellow bells, solitude 12, jaspingmaharot & princes_bride.



« Newer | »